-- Advertisements --
Umatras na sa paglalaro sa Australian Open si two-time champion Naomi Osaka.
Kinumpirma ito ng organizers subalit hindi na nagbigay pa ng dahilan.
Wala rin ang pangalan ng 25-anyos na dating World Number 1 sa warm-up tournaments sa Adelaide o Hobart.
Magugunitang noong Agosto 2021 ay inamin nito na nagkakaroon siya ng isyu tungkol sa kaniyang mental health.
Sa taong din iyon ay hindi na rin siya naglaro sa French Open mula ng makuha niya ang kampeonato noong 2018.