CHINA,

Labis na ikinalungkot ng beauty queen mula sa Zambales na si Joanna Marie Rabe ang kanyang pag-atras sa kompetisyon sa Miss Universe Philippines matapos na dapuan ng dengue.

Sa kanyang social media post, kinumpirma ni Ms. Rabe na nitong linggo ay dumanas siya ng dengue fever kaya pinayuhan siya ng kanyang docktor na magpahinga muna.

Kaugnay nito, humingi ng unawa si Joanna sa kanyang mga kababayan, mga fans at sa LGUs ng Zambales sa kanyang desisyon na ‘wag munang ipagpatuloy ang kanyang journey.

Nanghinayang naman ang kanyang mga supporters at maging ang organizers ng Miss Universe Philippines na sana ipagpatuloy pa rin niya ang paglahok sa mga beauty pageant sa mga susunod na taon.

Sinasabing ang mga contestants ay nasa Calasiao, Pangasinan ngayon na naghahanda sa mga pre-pageant events at mga rehearsal.

CHINA 1.1

Sa September 25 na ang coronation nights kung saan malalaman kung sino ang magmamana sa korona ng reigning queen na si Rabiya Mateo.