Todo panawagan ngayon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga organizers ng community pantries na dapat ay kumuha muna sila ng permit sa local government untis (LGUs) bago sila magtayo ng mga ito.
Depensa ni DILG Undersecretary Martin Diño, noong una kasi ay paisa-isa lamang ang mga pantries maging ang mga nagtutungo doon pero ngayon ay naglipana na raw ang mga community pantries.
Dahil dito, kailangan daw nilang makipag-ugnayan sa mga LGUs para panatilihin ang mga health protocols lalo na’t nasa gitna pa rin ang bansa sa panganib ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nangangamba si Dino na baka hindi na ma-control ang pagbuhos ng mga tao at hindi na masunod ang minimum health protocols gaya na lamang ng pagsusuot ng facemasks at faceshields.
Bagamat pinuri ng undersecretary ang efforts ng mga organizers ng community pantries, sinabi ni Diño na dapat pa ring may guidance dito ang mga barangay at local governments.
Sa isyu naman ng red tagging sa mga organizers ng community pantries, sinabi ni Dino na ang concern lang talaga ay ang bigong pagsunod sa social distancing ng mga residenteng nagtutungo sa lugar.