-- Advertisements --

Aprubado na ng 17 alkalde sa Metro Manila ang resolusyon na nanawagan para sa pagbalangkas ng isang ordinansa laban sa paggamit ng mga biniling bakuna ng pamahalaan bilang booster shots sa COVID-19 ngayong nanatiling limitado pa rin ang supplies.

Nakasaad sa naturang resolusyon na kailangan ideklara ng mga vaccine recipients under oath na sila ay hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19.

Sinuman ang mapapatunayang nagsinungaling para makakuha ng booster shots ay paparusahan pati na rin ang iba pang nasa likod nang pagbabakuna sa mga indibidwal na ito.

Nauna nang inirekomenda ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na magkaroon ng uniform sanctions labans amga indibidawl na nagpupunta sa ibang mga lungsod para makakuha ng boster shots kahit pa hindi pa ito inirerekomenda ng mga eksperto sa ngayon.

Nangako rin ang Department of Health (DOH) na iimbestigahan nila ang “city-hopping” para sa pagkuha ng booster shots, pero aminado na sa ngayon ay wala pa itong karampatang legal sanction.