-- Advertisements --

Striktong ipapatupad sa lungsod ng Pasay ang City Ordinance No.6011, Series of 2019 na nagreregulate sa pagbebenta, distribusyon, paggamit at pag-display ng mga paputok at pyrotechnic devices para maiwasang makapagtala ng injuries, kamataya at pinsala sa properties sa kasagsagan ng selebrasyon ng bagong taon.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, hindi papayagan ng pamahalaang lungsod ang paggawa ng anumang uri ng mga paputok at pyrotechnic devices sa lungsod.

Saad ng alkalde ang mga awtorisadong paputok na pinapayagang ibenta, ipamahagi at gamitin sa lungsod ay ang baby rocket; bawang; small triangulo, pulling of strings; paper caps; el Diablo; judah’s belt at sky rocket o kwitis.

Habang ang mga pyrotechnic devices naman na pinapayagan ay mabuhay; roman candle; trompillo, whistle device, butterfly; fountain; jumbo regular; luces, sparklers at lahat ng klase ng pyrotechnic devices o “pailaw.

Inatasan naman ng alkalde ang lahat ng kapitan ng barangay na magtalaga ng lugar king saan maaring gamitin ang mga paputok at pyrotechnic devices subject pa rin sa pag-apruba ng Pasay city Bureau of Fire and Protection (BFP).

Samantala paalala ng alkalde na kailangan munang makakuha ng clearance bago makapagsagawa ng fireworks o pyrotechnic exhibitions mula sa Fire Marshall ng lungsod.