Ipinagpatuloy na ng Korte Suprema ang mga pagdinig kaugnay sa petisyon ng Duterte Youth Party-list na kumukwestyon sa paghalili ni dating Comelec Commissioner Maria Rowena Guanzon bilang nominee ng P3PWD party-list.
Ayon sa petitioner, nagsumite ang naturang partido ng mga dokumento matapos ang substitution deadline na lumalabag sa Comelec rules, Republic Act 3019, at RA 6713.
Giit pa ng grupo na nilaba ng pagpapalit ng nominee ng partido an Party-List Systems Act na na nagresulta sa temprary restraining order na inisyu noong Hunyo 29, 2022.
Sa kasagsagan ng oral arguments, inungkat ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa ang isyu sa TRO nang i-interpellate niya si Atty. Edward Gialogo, ang legal counsel ng petitioners.
Ayon kay Justice Caguioa, hindi maaaring pigilan ng TRO si Commissioenr Gunazon na maging miyembro ng Mababang kapulungan ng Kongreso.
Sa ilalim kasi ng Section 7 ng 1987 Constitution, ang mga miyembro ng House of Representatives ay dapat na ihalal na manunungkulan sa loob ng 3 taon.
Sinang-ayunan naman ng counsel ng mga petitioner ang argumentong ito.
Matatandaan na nagisyu noon ng TRO ang SC sa assumption ni Guanzon bilan kinatawan ng partido sa pamamagitan ng substitution method na kinatigan naman ng SC habang isinasagawa noon ang masusing pag-aaral sa Comelec resolution na nagpapahintulot kay Guanzon na humalili bilang 1st nominee ng partido.










