Inanunsiyo nina Oprah Winfrey at Julia Roberts na kasama sila sa “The Call to Unite” online concert sa Mayo 2.
Ang 24-hour livestream ay kinabibilangan ng musical performance, conversations at pagtuturo ng nasa 200 celebrities kabilang ang mga musicians, actors, political at spiritual leaders.
Ilan sa mga naimbitahan ay sina Alanis Morissette, Quincy Jones, dating President George W. Bush, Martin Luther King III, Jennifer Garner, LeAnn Rimes at maramig iba pa.
Layon ng nasabing livestream ay palakasin ang loob ng mga tao ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Lilikom din sila ng pondo para sa pagtulong sa mga naapektuhan ng pandemic.
Mapapanood ito sa iba’t-ibang platforms gaya ng YouTube, Twitch, Twitter, LinkedIn, Facebook, SiriusXM Stars channel 109.