Dinipensahan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Commission on Elections (Comelec) sa harap ng batikos na tinatanggap nito dahil sa pagbaklas ng mga campaign posters sa mga private properties.
Ayon kay Año, nagbibigay naman ng warning ang Comelec bago ang aktwal na pagbaklas sa mga illegal campaign posters.
Kapag hindi pa rin binaklas ang mga illegal campaign posters sa mga private properties, saka pa lamang aniya kikilos ang Comelec kasama ang iba pang mga law enforcement agencies.
Gayunman, hinimok ng kalihim ang mga kandidato pati na rin ang kanilang mga supporters na sumunod sa campaign rules.
Ngayong nasa election period na ang bansa, iginiit ni Año na ang namamayani ngayon ay ang Omnibus Election Code na kailangan talagang sundin ng sinuman.
Sa mga nakalipas na araw, inaakusahan ang poll body nang trespassing at lumabag sa freedom of experion dahilsa pagbabaklas ng mga tauhan nito sa mga campaign posters na nakakabit sa mga private areas.