-- Advertisements --

Pansamantalang isinara ang mga opisina ng Twitter sa buong mundo dahil sa gagawing pagbalasa ng bagong namumuno na si Elon Musk.

Ang nasabing hakbang ay para hindi maka-access ang mga empleyado internal systems ng kumpanya.

Ayon sa kumpanya na kanilang inabisuhan ang mga empleyado ukol sa nasabing hakbang.

Una ng sinabi ng pinakamayamang tao sa buong mundo na si Musk na maaring matanggal ang nasa 4,000 na empleyado nito.

Labis na maapektuhan dito ay yung empleyado ng nagtatrabaho sa engineering, communications, product and content curations.