Tiniyak ng Manila International Airport Authority na hindi maaapektuhan ng kanilang isinagawang electrical maintenance ang mga flight operations sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito ay sa gitna ng planong upgrading ng ahensya sa mga electrical facilities sa naturang paliparan partikular na sa International Wing ng NAIA Terminal 3.
Ayon sa MIAA, kaugnay nito ay may mga inihanda rin silang mga generator upang tiyakin na hindi mawawalan ng suplay ng kuryente sa mga critical facilities sa gusali na maaari ring gamitin ng iba pang pasilidad ng nasabing paliparan.
Bandang alas-6:00am sinimulan ng mga kinauukulan ang naturang electrical maintenance na nagtagal naman ng dakong alas-11:00am kaninang umaga.
Samantala, humingi naman ng dispensa ang pamunuuan ng MIAA sa anumang abalang posibleng naidulot ng kanilang isinagawang aktibidad sa mga pasaheron.