-- Advertisements --

Pumanaw na ang American climber na si Balin Miller sa edad na 23.

Ayon sa ina nitong si Jeanine Moorman, tinangka ng anak na akyatin ang El Capitan summit ng Yosemite National Park subalit nahulog ito.

Ang El Capitan ay isang iconic wall na Yosemite namay taas ng 3,000 talampakan mula sa valley floor sa pamamagitan ng “Sea of Dreams”.

Kilala si Miller sa climbing community kung saan naka-live pa ito sa kaniyang mga social media account para ipakita sa mga followers nito ang kaniyang pag-akyat.

Noong bata pa lamang ay tinuruan na siya ng kaniyang ama ng rock climbing.

Nakumpleto ni Miller noong Hunyo ang kaniyang unang solo climb sa Slovak Direct route sa Mount McKinley sa Alaska, ang pinakamataas na peak sa US o kilala din bilang Denali.