-- Advertisements --
image 427

Balik na muli sa normal ang operasyon ng Manila North Porth passenger Terminal ngayong araw.

Ito ay matapos alisin na ng mga otoridad ang itinaas na storm signal warning sa buong Metro Manila nang dahil pa rin sa pananalasa ng bagyong Egay sa bansa.

Sa ulat, aabot na sa mahigit 500 mga pasahero ang naitalang na-stranded sa naturang terminal nang dahil sa mga ipinatupad na kanselasyon ng mga biyahe nang dahil sa masamang lagay ng panahon.

Batay sa inilabas na abiso ng isang travel shipping line ay makakapag-accomodate na ito ng apat na trips ngayong araw — dalawang biyahe sa umaga at dalawang biyahe rin sa gabi.

Kaninang alas-8:00 ng umaga ay may biyahe ang naturang shipping line patungo sa mga lalawigan ng Dumaguete, Dipolog City at Zamboanga

Bandang alas-9:00am ang naging kasunod na biyahe nito patungong Cebu at Butuan.

Habang mamayang alas-6:00 ng gabi ang alis ng isa pang biyahe patungong Bacolod, Iloilo at Cagayan de Oro, at ang huling biyahe naman ay aalis ng pasado alas-7:00 ng gabi papuntang Coron at Puerto Princesa Palawan.

Samantala, kaugnay nito ay nangako naman ang mga tauhan ng Port policem PNP Maritime Group, at Philippine Coast Guard na patuloy ang kanilang isinasagawang pagbabantay para sa kaligtasan ng mga pasahero.