-- Advertisements --
image 268

Balik normal at full operations na ang Philippine National Railways (PNR) ngayong araw ng Biyernes.

Ito’y matapos maalis sa riles ang tren na nadiskaril sa Makati City.

Sa isang pahayag, sinabi ng PNR na ang tren na nadiskaril sa tawiran ng Don Bosco ay bumalik sa riles dakong alas-8:20 ng gabi.

Kung matatandaan, sinabi ng operations manager ng PNR na si Jo Jeronimo na nangyari ang insidente ng pagkadiskaril alas-11:30 ng Martes ng umaga habang ang tren ay patungo sa Alabang sa Muntinlupa mula sa Tutuban sa Maynila.

Ang ulo ng sasakyan ay nawala sa riles, bumagsak sa graba at lupa, habang ang iba pang mga bagon ay nanatili sa railway.

Una na rito, wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing insidente.