-- Advertisements --

Ibinalik na ng Russia sa pamamagitan ng biggest pipeline nito na Nord Stream 1 ang gas supplies sa Europa.

Ito ay sa gitna ng pangamba ng tuluyang paghinto na ng Russia sa pagsuplay ng gas bilang ganti sa ipinataw na mabibigat na sanctions ng European Union dahil sa pagsisimula nito ng giyera sa Ukraine.

Una rito, hinikayat ng European Commission ang mga bansa na bawasan na ang paggamit ng gas ng 15% sa susunod na pitong buwan sakaling inhinto na ng tuluyan ng Russia ang pagsuplay ng gas sa Europe.

Lumalabas na nasa 40% ng natural gas ng Europe ay nagmumula sa Russia noong nakalipas na taon.

Ang Germany ang largest importer sa naturang kontinente noong 2020 subalit binawasan na nito ang dependence sa Russian gas at unti-unting itigil na ang paggamit ng Russian gas.

Pinawi naman ni Russian President Vladimir Putin ang pangambang ito at inihayag na ipagpapatuloy ng largest company na gas firm ng Russia na Gazprom ang lahat ng contractual obligations nito.