-- Advertisements --

ILOILO CITY – Suspendido ang operasyon ng lahat ng mga resort sa lalawigan ng Iloilo simula nitong araw ng Sabado hanggang sa Mayo 31.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo Governor Arthur Defensor, Jr., sinabi nito na pagbabawalan ang lahat ng operasyon ng facilities sa tourism, recreation, at accommodation establishments maging ang swimming sa public beaches at inland water.

Aniya, papayagan lang ang serbisyo ng nasabing mga establisyemento para sa Authorized Persons Outside of their Residences (APOR), repatriated overseas Filipino workers at returning overseas Filipinos.

Ipapatupad din ang 50% ang seating capacity sa dine-in service sa mga kainan.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.