-- Advertisements --
JAIME BAUTISTA
DOTr Secretary Jaime Bautista

Target ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na masimulan ang operasyon ng Cavite Extension Project ng Light Rail Transit line 1 (LRT-1) sa September 2024.

Ito ang bahagi ng pahayag ni DOTr Sec. Jaime Bautista matapos ang kaniyang ginawang inspeksyon sa dalawang istasyon ng tren kabilang ang Dr. Santos at Ninoy Aquino Station.

Ayon kay Bautista, on-track ang konstruksyon sa nasabing proyekto, at nagkaroon na aniya ng kasunduan ang DOTr sa Light Rail Manila Corporation para tiyakin na magiging operational ito sa itinakdang schedule.

Sa kasalukuyan, ang Dr. Santos Station ay 48% nang kumpleto, habang ang Ninoy Aquino Station ay nasa 34% nang tapos, at ang Redemptorist Station sa Parañaque City ay nasa 30% nang kumpleto.

Kapag natapos ang konstruksyon ng 11.7 kilometer na LRT-1 Cavite Extension Project, ito ay inaasahan magpapabilis ng biyahe ng 25 minuto mula sa dating mahigit isang oras mula Baclaran patungo sa Bacoor, Cavite.