Inanunsiyo ng organizers ng Miss International na papayagan nilang makabot ang mga fans at supporters.
Magsisimula ang online votings sa Nobyembre 30.
Ito ang unang pagkakataon na gagamit ang organizer ng mobile applications.
Nais nila kasing sukatin kung gaano kasikat ang isang kandidata mula sa tatlong rehiyon at time zones.
Ang mangunguna na may mataas na boto mula sa Asia and Oceania, Europe and Africa at Americas ay uusad na sa Top 15 ng pageant.
Dahil dito ay hinikayat ng Binibining Pilipinas organization na suportahan ang pambato ng bansa na si Hannah Arnold na lalahok sa nasabing kumpetisyon.
Kinoronahan kasi si Arnold noong Hulyo 2021 kung saan kinansela ang international pageant dahil sa COVID-19 pandemic.
Gaganapin ngayong taon ang pageant sa Disyembre 13, 2022 sa bansang Japan.