Dahil na rin umano sa patuloy na paglaganap ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19), nadoble raw ang bilang ng mga dumudulog sa Bureau of Immigration (BI) sa pamamagitan ng email at social media accounts noong nakaraang taon kumpara noong 2019.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nasa 120,438 ang natanggap ng BI National Operations Center (BINOC) na mga queries sa kanilang mga hotline, email at social media accounts gaya ng Facebook, Twitter at Instagram.
Nasa 141 percent raw ang initinaas noong nakaraang taon kumpara noong 2019.
Karamihan sa mga ito ay nagtatanong mga mga impormasyon kaugnay ng travel restricitions ng pamahalaan sa international travel na nagsimula noong Marso 2020.
Karamihan naman sa mga queries ay natanggap sa emails na mayroong 197 percent at 77 percent naman sa social media.
Ang pagtaas daw ng bilang ng mga nag-i-inquire online ay dahil na rin sa mga quarantine protocols.
Maliban naman sa kanilang hotline, mayroon din umanong direct portal ang BI sa Facebook na “Immigration Helpline PH.”
Sinabi naman ni Acting BINOC Chief Djamina Diampuan na maliban sa mga travel requirements nakatanggap din umano ng queries ang kanilang opisina kaugnay ng iba pang transactions at services ng BI.