Pinayuhan ngayon ng susunod na bar exam confidant ang lahat ng mga aplikante sa susunod na bar exam na mag-aral nang mabuti.
Kasabay ito ng pagkumpirma ni Supreme Court (SC) Associate Justice at 2020, 2021 Bar Examinations Chairperson Marvic Leonen na pinag-aaralan na nila ang posibilidad na magsagawa ng online pero proctored na bar exam.
Ang naturang sistema ay magkahalong online at written exams sa mahigit sa dalawang lugar bilang bahagi ng bar reforms.
Ang accessibility sa bar exams at ang geographic equity ang isa umano sa mga mahahalagang principles na bahagi ng bar reforms.
Kasunod nito, makikipag-ugnayan din umano ang Supreme Court (SC) sa mga law schools na inirerepresenta ng Philippine Association of Law Schools para sa isasagawang bar exam.
Sa mga susunod na buwan ay magkakaroon na rin umano ng pilot tests sa plano nila para makita kung maganda ang kalalabasan ng kanilang dati nang proposal.
Magbibigay din umano sila sa mga bar applicants ng mga impormasyon bago ang naka-schedule na examinations para makapaghanda rin ang mga ito para sa bagong modalities na gagamitin.
Nangako si Leonen na maglalabas din ng mga update ang Office of the Bar Chairperson sa mga susunod na araw kaugnay ng isasagawang bar exam kapag inaprubahan na ito ng Court En Banc.