-- Advertisements --
Isinusulong ng isang mambabatas ang pagbibigay ng one-time na P2000 cash assistance para sa lahat ng mga Pilipino sa bansa para tulungan ang mga Pilipino sa gitna ng mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa pandemiya at iba pang external factors.
Ito ay ang House Bill No. 2022 na akda ni Kalinga Rep. Irene Gay Saulog kung saan sinabi nito na ang naturang cash aid ay lubhang kailangan dahil ito ay responsibilidad ng pamahalaan na tulungan ang mamamayan na makaalpas mula sa kahirapan.
Sakaling maisabatas ito, nasa P218 billion pondo ang kakailanganin para makapagbigay ng cash assistance para sa bawat Pilipino na naninirahan sa bansa.