-- Advertisements --
Halos one-third ng destinations sa buong mundo hindi pinayagan ang mga international tourist dahil sa pandemic.
Ayon sa United Nations World Tourism Ogranization (UNWTO) na kahit na niluwagan na ng ibang bansa ang pagbiyahe ay hindi pa rin pa rin tuluyang nagbukas ang mga tourist destination matapos dahil umano sa pagkalat ng bagong variant ng COVID-19.
Noong Pebrero ay mayroong 69 sa kabuuang 217 na tourist destination ang tuluyang nagsara.
Ikinabibilangan ito ng 30 sa Asia and Pacific, 15 sa Europe at 11 sa Africa.
Pumalo na rin sa $1.3 trillion ang lugi noong nakaraang taon ng global tourism.