-- Advertisements --

Nais ni Senator Raffy Tulfo na magkaroon ng One-strike policy ang bansa pagdating sa mga employers na nag-aabuso ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Sakaling mabigyan ng kaparusahan ang nasabing employer ay tiyak na hindi mauulit pa ang nasabing problema.

Giit naman ni Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Bernard Olalia na nais nilang ilagay sa blacklist ang nasabing employer na may record ng pananakit sa mga OFW.

Nararapat din na magkaroon ng regular monitoring ang DMW gaya ng pag-check up at psychological exam sa mga OFW para matiyak ang kanilang magandang kalagayan.

Ilan din na iminungkahi ng DMW ay ang random inspections sa mga accomodations o dorm ng mga OFW bago sila ay madeploy sa ibang bansa.