Nagtayo ang Department of Migrant Workers ng One Repatriation Command Center para maging takbuhan ng mag Overseas Filipino Workers na mabibiktima ng karahasan.
Magiging venue rin ang command center para sa mga OFWs na nagnanais humingi ng karagdagang tulong mula sa pamahalaan.
Ayon kay DMW Sec Susan Ople, ang nasabing opisina ay magiging pangunahing channel ng DMW upang mailapit ang mga legal services nito sa mga OFWs.
Bukod sa legal assistance ay maaari ring makapag-avail ang mga ofws ng iba pang kinakailangang assistance sa ilalim nito.
Ito ay kinabibilangan ng medical assistance, at repatriation, kasama na ang pagpapabiyahe o shipment sa katawan ng mga OFWs na pinatay o namatay sa ibang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, patuloy aniya ang transisyon ng Department of Foreign Affairs at ng DMW para sa tuluyang paglilipat ng Assistance To Nationals sa ilalim ng nasabing ahensiya.
Ito ay nakatakdang maisapinal sa Hulyo-1, 2023.