-- Advertisements --

Lusot na sa House of Representatives ang substitute bill na magbibigay pahintuloy sa on-site relocation ng libo-libong informal settlers sa bansa.

Inaprubahan ng committee on housing and urban development na pinamumunuan ni Cavute Rep. Strike Revilla ang consolidation ng ilang panukalang abatas, tulad ng House Bill 4869 na iniakda naman ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Ayon sa mambabatas, nagtatayo ang pamahalaan ng mga bahay para sa mga informal settlers sa labas ng Metro Manila at rural areas sa CDO, kung saan nakakakita ng kakulangan sa trabaho, sustainable livelihood at social services.

Dagdag pa ni Rodriguez, ilan umano sa mga pumayag na ilipat sa ibang lugar ay bumalik pa rin ng Metro Manila at Cagayan de Oro at iba pang urban centers na may makukuha silang trabaho.

Katuwang ng Department of Human Settlements at Urban Development ang iba’t ibang local government units (LGUs) para sa pamimigay ng basic services at pangkabuhayan para sa mga inilipat na pamilya.

Sa ilalim din ng consolidated bill na inaprubahan, ay magtutulungan ang mga ililipat na pamilya a LGUs para sa formulation ng resettlement plan.