Binigyang diin ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III sa kaniyang unang flag ceremony bilang hepe ng Pambansang Pulisya ang kahalagahan ng pagtalima sa tamang proseso ng batas.
Sa kaniyang mga naging paunang pahayag, nagpasalamat ang hepe kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa tiwala at suportang ibinigya nito s akaniya simula nang maluklok bilang bagong lider ng organisasyon.
Aniya, sususportahan niya ang mga naging direktiba ng Pangulo na dapat ang mga pulis ay nagtatrabaho para mapagpatupad ng mga batas, bigyang solusyon ang mga maliliit o malalaki mang krimen, at ang pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad sa bansa.
Muling binigyang diin rin ng hepe ang kahalagahan ng pagaalis ng mga kriminal sa mga lansangan dahil sa pamamaraan aniya lamang na ito mapapanatili ang kaligtasan ng mga mamamayang pilipino.
Samantala, ngayong araw rin ay bumisita ang hepe sa tanggapan ng Commission on Human Rights (CHR) uang ipakita ang kanilang pagsuporta sa mga tugon ng ahensya na panatilihin at palaging unahin ang mga karapatang pantao sa pagkakasa ng kanilang mga operasyon.