-- Advertisements --

Pinayuhan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang lahat ng mga government officials na iwasan ang conflict of interest habang nagsisilbi sa gobyerno.

Dagdag pa nito na dapat mamili na lamang sa pagitan ng negosyo o pulitika.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng patuloy na imbestigasyon nila sa ilang mambabatas na sangkot sa ilang anomalya.

Giit nito na dapat ay magkaroon ng delikadesa ang bawat pulitiko kung saan tigilan na ang conflict of interest.

Kung nais mag-negosyo ay doon na lamang tutukan at huwag ng pumasok sa pulitika.

Maging ang kinasayanan na ng mga opisyal ng gobyerno na nagiging government contractors ay hindi lamang limitado sa mga party-list.

Sa ngayon ay may mga iniimbestigahan sila na mga dalawang mambabatas na sangkot sa graft dahil sa pag-aari o mayroong koneksyon sa isang construction service.