-- Advertisements --

Naglunsad na ang Office of the Ombudsman ng sarili nitong imbestigasyin kaugnay sa kontrobersiyal na resort na itinayo sa Chocolate hills protected area sa probinsiya ng Bohol.

Ito ang kinumpirma ni Ombudsman Samuel Martires kung saan pinuntahan ng imbestigador ng kaniyang tanggapan ang opisina ng regional executive director ng Cebu at sa Bohol para mangalap ng mga dokumento.

Unaasa naman ang Ombudsman na maibibigay sa kanila ang listahan ng mga miyembro ng Protected Area Management Board na nag-isyu ng business at building permits.

Gayundin inaasahan na agad na matatapos ang case buildup pagkatapos ng Semana Santa upang makapag-proceed na sa preliminary investigation.

Sa ngayon, nananatiling tigil operasyon at sarado ang naturang resort matapos mag-isyu ng cease and desist order ang DENR.