Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang reklamong plunder, graft at malversation laban kina Executive Secretary Ralph Recto at dating Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma.
Nagbunsod ang reklamo sa kautusan ni Recto na noon ay siya ang hepe ng Department of Finance na ilipat ang hindi nagamit na pondo ng Philhealth na nagkakahalaga ng P60 bilyon sa national treasury kasunod ito ng special provision ng 2024 budget.
Nakasaad sa 40-pahinang resolution na kaya nila ibinasura ang reklamo ay dahil sa kakulangan ng prima facie evidence at ibang mga ebidensiya laban sa nasabing mga opisyal.
Dagdag pa nila na kanilang ibinasura ang paglabag sa Anti-Plunder Act dahil sa naibalik na ang P60-B na pondo sa Philhealth.
Hindi rin napatunayan ng mga complainants na sina Recto at Ledesma ay may pananagutan sa Anti-Graf and Corrupt Practices Act.
Malinaw na walang nakitang paglabag dahil sa naglabas ng kautusan si Recto ukol sa paglilipat ng pondo ganun din si Ledesma ay sinunod naman ang utos.
















