Bukas ang Office of the Ombudsman sa pagkakaroon ng pagbabago sa circular na naglilimita ng access sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) ng mga government officials.
Sinabi ito ni Zamboanga del Norte 1st District Rep. Romeo Jalosjos, sponsor ng budget ng Office of the Ombudsman sa 2022, nang matanong tungkol sa Memorandum Circular No. 1 na nilagdaan ni Ombudsman Samuel Martires.
Ayon kay Jalosjos, bukas naman ang Office of the Ombudsman sa mga suhestiyon o komento patungkol sa pagbabagong gagawin sa kontrobersiyal na circular na ito.
Sa ilalim ng naturang memorandum, ilalabas lamang ang SALN ng mga government officials kung request ito ng declarant; kung ito ay ligal na ipinag-utos ng isang korte para gamitin sa isang pending na kaso; at kung ang request ay ginawa ng field investigation office ng Office of the Ombudsman para sa fact-finding probe.
Magugunita na sa mga nakalipas na taon, malaki ang tulong ng SALN sa pagtukoy ng posibleng graft at corruption na kinasasangkutan ng mga government officials.
Nakalagay kasi dito ang yaman at liabilitites ng mga public officials, pati na rin ang kanilang sahod at iba pang pinasukan habang nasa puwesto.