Kapwa pumoste ng double-double sina Kelly Olynyk at Hassan Whiteside upang mamayani sa 91-84 pagdispatsa ng Miami Heat kontra Charlotte Hornets.

Tumabo ng 22 points at 11 rebounds si Olynyk, samantalang may 18 points, 15 rebounds at apat na blocks si Whiteside para sa Heat (30-34), na binasag ang eighth spot sa Eastern Conference.

“Hassan was tremendous,” wika ni Miami coach Erik Spoelstra. “Really had a tremendous impact on both ends of the floor. That’s his best version.”

Naglista naman ng tig-20 points si Kemba Walker at Frank Kaminsky para sa Charlotte (29-35).