-- Advertisements --

Nais ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na ibahagi ang kaniyang kaalaman sa sports na weightlifting kaya plano niyang magbukas ng isang weightlifting academy sa bansa.

Nitong Linggo kasi ay nagsagawa ng ground breaking sa Jala-Jala, Rizal para doon itayo ang nasabing weightlifting academy.

Ang nasabing training facility aniya ay hindi lamang niya naging pangarap at ito ay isang uri na pagbabalik sa bansa sa mga naitulong sa kaniya ganun din para makalikha ng mga mas batang atleta.

Sa ngayon ay abala na ito sa mga training para sa nalalapit na pagsabak nito sa 2024 Paris Olympics na target niyang maulit na makuha ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.