-- Advertisements --
Naging mahigpit ngayon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) laban sa mga online scammers.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, na mayroong mahigpit na bilin sa kaniya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat ay maging ligtas sa anumang scam ang Pilipinas lalo na at malapit na ang panahon ng Kapaskuhan.
Dagdag pa nito na pinaigting nila ang kampanya laban sa online scam lalo na at marami na ang gumagamit ngayon ng online banking transactions.
Patuloy na pinag-iingat ng opisyal ang publiko sa paggamit ng mobile point-of-service (POS) para maiwasan sila na mabiktima ng online scams.