-- Advertisements --

Natanggap na ng Paris 2024 Olympics organizers ang Games’ flame.

Isinagawa ang pagtanggap ng flames sa isang seremonyas sa Athens bago ang 68-araw na torch relay na magtatapos sa opening ceremony sa Hulyo 26.

Dumating ang flame sa Panathenaic stadium sa Athens ang lugar kung saan ginanap ang unang modern Olympics noong 1896.

Ang nasabing flame ay ibabiyahe sa Paris sa pamamagitan ng three-masted ship na “Belem” na inaasahang darating sa Marseille port sa Mayo 8.

Sa pagdating nito sa Paris ay inaasahan na tutunghayan ito ng nasa 150,000 katao.