-- Advertisements --

Natanggap na ni Olympic bound Filipino boxer Eumir Marcial ang kanyang unang dose ng Pfizer COVID vaccin habang nasa Los Angeles, California.

Si Marcial na nasa ilalim ng Manny Pacquiao Promotions ay hinihintay na lamang ang second dose na ituturok sa kanya, ilang buwan bago ang kanyang pagsabak sa Tokyo Olympic games.

Eumir Marcial freddie roach
Olympic bound Filipino boxer Eumir Marcial with Hall of Famer trainer Freddie Roach

Sa panayam ng Star FM Dagupan sa 25-year old na Zamboanga City boxer, sinabi nito na bagamat secured na ang kanyang full vaccination sa US hindi pa rin ito nagpapakampante.

Aniya, patuloy pa rin umano siya sa istriktong pagsunod sa mga standard health protocols upang masiguro na walang magiging problema sa kanyang nalalapit na mga laban sa Olympic games.

Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Marcial sa Pacquiao promotions dahil sa walang humpay na suporta at tulong para sa kanyang Olympic Games.

-- Advertisement --