-- Advertisements --

Umani ngayon ng samu’t-saring reaksyon mula sa mga netizen ang pag-amin ng Norwegian biathlete na si Sturla Holm Laegreid na nagloko siya sa kanyang girlfriend.

Ginawa ng atleta ang pahayag sa isang press conference kasunod ng pagkapanalo niya ng bronze medal sa Winter Olympics sa Milan, Italy nitong Pebrero-10.

Batay sa salaysay ni Laegreid, nagawa niya ito, ilang buwan bago siya sumabak sa pinakamalaking winter games sa buong mundo.

Sa naturang presscon ay humingi ng tawad ang atleta sa kanyang girlfriend at umaasang mapapatawad siya nito.

Aniya, mayroon na siyang gintong medalya sa kaniyang buhay at posibleng maraming tao ang humahanga sa kaniya dahil sa matagumpay na karera ngunit para sa kaniya, nakalaan lamang ang kaniyang attensiyon sa kanilang GF.

Ayon kay Laegreid, inamin lang niya ito sa kaniyang girlfriend, isang lingo na ang nakakalipas. Agad naman siyang iniwan ng kaniyang GF, kasabay ng kaniyang patuloy na pagsabak sa Winter Games.

Sa kabila ng public declaration ng Norweigian Olympian, sinabi ng kaniyang dating GF na madali ang magpatawad at naninindigan siya sa naging desisyon.

Si Sturla Laegreid ay isang highly decorated Norwegian biathlete na may pitong World Championship gold medal at ilang World Cup titles.

Nagawa na niyang magbulsa ng 14 world championship medals sa kabuuan, kabilang ang isang gintong medalya sa Beijing Olympics.