Olivia Rodrigo
-- Advertisements --

Bumandera ang pangalan ni Filipino-American singer Olivia Rodrigo matapos na maging nominado bilang Artist of the Year ng 2021 American Music Awards (AMA).

Makakatunggali nito sina Taylor Swift, Drake, Ariana Grande, BTS at The Weeknd.

Nominado rin ang kanta nito na “Drivers License” bilang Favorite Trending Song, Favorite Music Video, Favorite Pop Song Favorite Female Pop Artist habang ang album nitong “Sour” ay nominado bilang Favorite Pop Album.

Maipapalabas ang AMAs sa darating na Nobyembre 21.

Noong nakarang taon ay nakuha ni Taylor bilang Artist of the Year ganun din ang pagiging Favorite Pop Rock Female at Favorite Music Video.

-- Advertisement --