Nagpakitang gilas ang dalawang mahigpit na magkaribal na sina unified heavyweight world champion Oleksandr Usyk at British boxer Anthony Joshua sa Kingdom of Saudi Arabia.
Paglalabanan ng dalawa upang pag-isahin ang mga korona sa WBA, WBO, IBF at IBO na mangyayari sa darating na Agosto 20 sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ang bakbakan ng dalawa ay binansagang “Rage on the Red Sea.”
Kung maalala una nang tinalo noong Setyembre ni Usyk si Joshua kahit na siya ay underdog.
Nagtala siya ng kasaysayan sa naturang big upset laban kay Jushua upang maagaw ang unified crown sa loob ng 12 rounds.
Sa pagkakataong ito ay target ni Joshua na makaganti at mabawi ang korona.
Para naman kay Usyk, may misyon siya sa laban ngayon para tulungan ang kanyang bansa na Ukraine na nasa giyera pa rin laban sa Russia.
Kung maalala bago pa man naging professional boxers sina Joshua at Usyk ay pareho silang gold medalist noong 2012 Olympic games.