-- Advertisements --

Patuloy sa pamamayagpag ang Oklahoma City Thunder sa kanilang preseason games matapos na magtala ng panibago na namang panalo kanina laban sa San Antonio Spurs, 118-112.

Ito na ang ikalimang panalo ng Thunder mula sa anim na mga laro, habang ang Spurs ay meron pa lamang isang panalo at apat na ang talo.

Ang bagong player ng Thunder na shooting guard na si Josh Giddey ang nanguna sa Thunder sa kanyang all around game na may 18 points, six assists at six rebounds para bumangon mula sa matamlay na opensa sa first quarter.