-- Advertisements --
Agad na nakontrol ng mga otoridad ang pagtagas ng langis sa karagatan matapos ang paglubog ng tanker sa Tunisia.
Ang Xelo vessel na may laman na 750 toneladang diesel fuel ay galing sa Egyptg papunta sa Malta ng ito ay lumubog sa southeast coast ng Tunisia.
Sinasabing dahil sa sama ng panahon kaya lumubog ang nasabing barko sa Gulf of Gabes.
Ayon sa tapagsalita ng tanker na nakapag-distress call sila bago tuluyang lumubog ito.
Ang Equatorial Guinea-flagged Xelo ay galing sa Damietta port ng Egypt patungo sa European Island ng Malta ng mangyari ang insidente.
Agad na nailigtas naman ng mga otoridad ang pitong crew-member ng barko.










