Umabot na ang oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress tanker sa isla ng Coron, Palawan ayon sa abiso mula sa Philippine Space Agency (PhilSA).
Nababalot ng tumagas na langis ang humigit-kumulang 61.27 square kilometers, ito ay tinatayang nasa 33 nautical miles ang haba at 2.5 nautical miles ang lawak bagamat subject pa rin ito sa field validation.
Ang pagtayang ito ay base sa report mula sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA) base sa satellite image na nakuhanan nitong nakalipas na linggo, Abril 2.
Natukoy ito ng ahensiya gamit ang tinatawag na Copernicus EU’s Sentinel-2.
Ayon pa sa ahensiya ang oil spil na namonitor sa may timog at timog-kanlurang bahagi ng lumubog na tanker na nasa 10.5 nautical miles (NM) ang haba at 1.8 NM na lawak.