Handang magpaabot ng kanilang tulong at assistance ang Philippine Navy para sa paghahanap sa mga bangkay ng 34 na nawawalang mga sabungero na siyang umanoy inilibing sa Taal Lake sa Batangas.
Ito ay matapos ipahayag ng Department of Justice (DOJ) na plano nilang makipagugnayan sa Hukbong Dagat at maging sa Philippine Coast Guard (PCG) para sa tulong ng kanilang mga technical divers para sa blak ikasang search and retrieval ng mga bangkay ng mga biktima.
Ayon kay Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos, wala pang pormal na natatanggap na koordinasyon ang kanilang hanay mula sa DOJ hinggil sa paghahanap sa mga abi ng mga sabungero.
Tiniyak naman ng Hukbong Dagat na agad nila itong irerefer sa Naval Special Operations Command kung saan nakadestino ang kanilang mga technical divers para sa agarang koordinasyon ng kaso.
Samantala, siniguro rin ni Alcos na nakahanda ang kanilang hanay para sa kahit anu pa mang tulong na kakailanganin ng DOJ at maging ng iba pang mga ahensya.