-- Advertisements --
Magpapatupad ng bawas presyo sa kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.
Mayroong mula P1.10 hanggang P1.20 sa kada litro ang ibabawas sa gasolina habang mula P0.10 hanngang P0.20 sa kada litro ang ibabawas sa kerosene.
Wala namang paggalaw ang diesel.
Ipapatupad ang nasabing paggalaw ng mga produktong petrolyo simula Nobyembre 16.
Ito na ang pangalawang sunod na linggo na magkaroo ng rollback sa presyo ng langis.