-- Advertisements --
Asahang muli ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa pagtaya ng mga local industry players sa bansa, inaasahang aangat ang presyo ng diesel sa P0.85 to P1.25 kada litro, ahabang ang presyo ng gasolina ay maaaring tataas mula P0.25 to P0.65 kada litro.
Malakihang taas presyo rin ang inaasahan para sa kerosene na maaaring aabot mula P90.00 hanggang P1.30 kada litro.
Ito na ang ika-siyam na magkakasunod na linggo na aangat ang presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.
Batay sa monitoring report ng Department of Energy, sa kabuuan ng 2023 ay umaabot na sa P14.80 ang itinaas sa presyo ng gasolina, P9.50 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel, at P6.64 ang itinaas sa kada litrong presyo ng kerosene.