-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mamamayan dahil sa magtutuloy-tuloy pa ang pagtaas ng presyo ng krudo.

Ayon sa ahensiya na posibleng magtagal pa ng hanggang Disyembre ang nararanasang pagtaas ng presyo ng krudo.

Isa sa mga dahilan ay ang patuloy na pagtaas ng demand nito sa ibang bansa ganun din ang pagbawas sa produksyon ng mga ito.

Magugunitang nasa pang-11 na linggo na ang pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa.