-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng taas presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa.

Nitong ala-6 ng umaga ng ipatupad nila ang P1.10 sa kada litro ng gasolina.

Mayroon namang P0.20 na dagdag sa kada litro ng diesel habang ang kerosene ay mayroong P0.70 na pagtaas sa kada litro.

Ang ikapitong linggong sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay bunsod umano sa pagbawas ng suplay ng produksyon ng langis sa Saudi Arabia at ang pagsipa ng presyo nito sa world market.

Mula pa noong Hulyo 10 ay mayroon ng P12.50 sa kada litro ang itinaas sa diesel, habang mayroong P8.85 naman ang itinaas sa gasolina at P11.85 naman sa kerosene.