-- Advertisements --
Asahan ang isa na namang round ng oil price rollback bukas.
Ayon sa mga energy sources, ang gasolina ay may rollback na P1.70 hanggang sa P2.00 kada litro.
Magkakaroon din ng tapyas sa kada litro ng diesel na P1.20 hanggang sa P1.50 kada litro habang ang kerosene ay may bawas din na P1.20 haggang sa P1.50.
Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.
Samantala, mayroon ding inaasahang rollback sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Papalo ang rollback sa P1 hanggang P2.
Katumbas ito ng P11 hanggang sa P22 na rollback sa kada 11 kilo ng LPG cylinder.