Pasimpleng binuweltahan ng OPM (Original Pilipino Music) icon na si Ogie Alcasid ang journalist na si Ben Tulfo kaugnay sa mga binitawang maaanghang na salita laban sa kanyang misis at singer ding si Regine Velasquez.

Ito’y dalawang araw matapos ang Facebook Live ni Tulfo habang nasa loob ng kanyang sasakyan kung saan kinuwestiyon nito ang kaalaman ng “Asia’s Songbird” kasunod ng pagkomento sa tweet ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Locsin Jr. noong Holy Week.

Patungkol ito sa pangunguha ng endangered giant clams ng Chinese vessels sa Panatag Shoal.

Ayon sa 51-year-old OPM icon, siya nalang sana ang pagbalingan ni Tulfo bilang paggalang na rin kay Regine na isang babae.

Narito ang ilang palitan ng tweets nina Locsin at Velasquez:

DFA secretary noong April 16, Martes: “I am not going down in history as a clam defender, okay? It’s a complaint; we’re looking into it; but these are just fucking food; no one goes to war for clams (maybe Oysters of Locquemariaquer) but they just happen to be OUR food. They should pay for them like in fish market.”

Regine noong April 18, Maundy Thursday: “Ang akala ko pa naman matalino ka. Ako ay [simpleng] tao lamang na may simpleng pagiisip. These people are invading our territory they are not just taking food [sinisira] nila ang ating karagatan!!!!”

Locsin: “Pero ang problem ay hindi po territorio natin yun. EEZ.”

Sa panig ni Tulfo, pinatutsadahan nito si Regine:

Narito ang ilang bahagi:

“Make sure na may laman ang utak mo. Make sure alam mo yung isyu and you can talk about it.

Hindi mo ito balwarte. Yung kaalaman mo, itago mo na lang.

Gawin mo na lang, una, kung paano ka manumbalik sa publiko na kilala ka pa The Songbird of Asia, hehehe.

C’mon, be real. Ang pagkanta-kanta mong ‘yan, hindi uubra sa sinasabing eto yung mga issues na delicate.

Kung ako sa Bitag, nagsasalita sa isyu, I try to stay away from that until mababalanse ko.

If you pick on somebody like Teddy Locsin, come on, lalamunin ka niyan.

He’s gonna chew you up, spit you out.

Ano bang alam nitong si Regine Velasquez other than kumanta lamang?

Ang isang entertainer na I’m not trying to pull down, I question yung kanyang credentials when it comes to college, I don’t even know if she does have any subject in Political Science.

So, yung statement nitong si Regine Velasquez, for me, is something na nakisawsaw, nakiangkas sa isyu na wala naman talagang alam.”

Mas maganda siguro pag ang isang indibidwal nagsalita, let it be someone expert in the field.

For the how many years almost I came to know na bagu-bago pa ang Bitag, Regine Velasquez na ‘yan. Ngayon, nanay na.

Siguro hindi na matanggap yung kanyang career na medyo dwindling na, e, may pana-panahon lang ‘yan.”

Ang Bitag ay ang investigative and public service program ng komentaristang si Tulfo, at napapanood sa government-owned network na PTV4.

Si Regine naman ay may dalawang umeereng programa sa kinabibilangang TV network at nito lamang Pebrero ay naging sold-out ang three-night Valentine concert nila ni Vice Ganda.