-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Hiniling ng mga overseas filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia sa pamahalaan ng Pilipinas na mabahaginan ang lahat sa kanila ng tulong sa gitna ng krisis na kinakahara dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lawrence Valmonte, OFW sa Riyadh, Saudi Arabia, sinabi niya na naglabas ng statement si Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi kabilang ang mga OFW na nasa “No Work No Pay” status sa makakakuha ng $200 na tulong ng pamahalaan.

Nakipag-ugnayan anya sila sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) hinggil dito.