-- Advertisements --

Libu-libong mga overseas Filipino workers (OFW) sa Taiwan, Israel at Macau ang nananatiling ligtas sa kanilang mga trabaho.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople bagamat maituturing na nasa high-risk locations ang mga OFW sa nabanggit na lugar, safe naman ang mga ito ay masusuing minomonitor ng ahensiya.

Iniulat ni Ople na balik na sa normal ang buhay sa Taiwan at Israel, habang sa Macau naman ay balik na rin sa trabaho matapos na alisin na ang suspension sa mga non-essential business bunsod ng COVID-19.

Dagdag pa ni Ople, kahit humupa na ang tension sa Taiwan matapos na ang military drill ng China, inalerto naman niya ang mga labor attaches na palaging maging alerto.

Good news din daw sa Taiwan para sa mga caretakers at domestic workers na tinaasan na ang kanilang sweldo mula sa dating mahigit sa P30,000, subalit ngayon ay nasa P37,000 na.

Mula sa kabuuang 147,940 na OFWs sa Taiwan, nasa 25,867 ang mga domestic workers at caretakers.

Doon naman sa Israel nasa ligtas din ang kalagayan ng may 200na mga ofw na nagtatrabaho bilang mga caregivers sa tatlong siyudad malapit sa Gaza strip.

Una nang nagpalitan ng rockets ang israel at Palestinian Islamic Jihad bago nagkaroon ng ceasefire.