-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang mga overseas Filipino workers (OFW) na uuwi ng Pilipinas para sa holiday season na huwag nang magdala pa ng mga meat products mula sa mga bansang apektado ng African swine fever.

Sa isang pulong balitaan nitong araw, sinabi ni DA spokesperon Assistant Secretary Noel Reyes na kanilang kukumpiskahin ang mga meat products na ito lalo na kung galing sa Hong Kong at China.

Isa ang China sa 24 na bansang apektado ngayon ng ASF.

Ang mga meat products na mula sa mga bansang ito ay ipinagbabawal na ng gobyerno ng Pilipinas.

Kung ang mga OFWs ay magmumula sa mga bansang hindi apektado ng ASF, sinabi ng DA na dapat na makakuha ang mga ito certification na magpapatunay na ang meat products na kanilang dala ay hindi apektado ng ASF.